Chili Con Carne

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 tasa hilaw na red beans
3 tasa tubig
3 kutsara mantika
1 kutsara dinikdik na bawang
1 tasa tinadtad na sibuyas
1 tasa tinadtad na kamatis
1 tasa hiniwang celery
3 kutsara chili powder
1 kutsarita oregano
1 kutsarita cumin
2 kutsarita asin
2 kutsara asukal
2 kutsara asukal
2 kutsara liquid seasoning
1 kutsarita hot sauce
½ kilo giniling na karne ng baka

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pakuluan ang beans sa tubig.
  2. Alisin sa apoy at takpan.
  3. Itabi ng isang oras.
  4. Pakuluan uli ang beans.
  5. Hinaan ang apoy at hayaang lumambot.
  6. Alisin ang tubig at itabi.
  7. Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at celery.
  8. Isama ang mga pantimpla at ang giniling.
  9. Papulahin ang karne at idagdag ang beans.
  10. Lutuin ng walang takip nang 10 minuto o hanggang lumapot.