Chicken Veronique

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

2 kilo manok, hiniwang katamtaman ang laki
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita pamintang puti
1 tasa arina
¼ tasa mantika
2 kutsara mantikilya
½ tasa tinadtad na sibuyas
¼ tasa white wine
1 ½ tasa brown sauce
½ kutsara tinadtad na dahon ng basil
125 gramo ubas (balatan, tanggalan ng buto at apatin)
½ kutsara tinadtad na parsley
½ tasa cream

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Timplahan ang manok ng asin at paminta.
  2. Ipagulong sa arina at papulahin sa mainit na mantika.
  3. Isantabi.
  4. Sa isang kaserola, painitin ang mantikilya at igisa ang sibuyas.
  5. Isama ang white wine at lutuin sa mahinang apoy ng 1 minuto.
  6. Idagdag ang brown sauce at timplahan.
  7. Isama ang manok.
  8. Lutuin ng 30 minuto o hanggang lumambot ang manok.
  9. Isama ang basil at pagkatapos ay idagdag ang ubas, parsley at cream.
  10. Lutuin pa ng ilang minuto.
  11. Ihaing mainit.