Chicken Soup with Spinach

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

10 tasa sabaw ng manok
½ tasa cornstarch na tinunaw sa
¼ tasa tubig
4 puti ng itlog, binating bahagya
1 tasa tinadtad na nilagang manok
2 tasa tinadtad na dahon ng spinach
¼ kutsarita sesame oil
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
½ tasa hiniwang sibuyas na mura

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pakuluin ang sabaw at palaputin ng tinunaw na cornstarch.
  2. Dahan-dahang ibuhos ang binating itlog habang tuloy-tuloy na hinahalo.
  3. Idagdag ang manok, spinach at sesame oil.
  4. Timplahan.
  5. Pakuluin ng isa pang beses.
  6. Paibabawan ng hiniwang sibuyas na mura.