Chicken Loaf

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 kilo manok, tinanggal ang buto at balat bago hiniwa sa maliliit na piraso
¾ kilo giniling na baboy
3 piraso itlog
4 puti ng illog
1 tasa hiniwang sibuyas (ginisa sa mantikilya)
¼ kutsarita tinadtad na luya
½ kutsarita marjoram
¼ kutsarita cardamom
1 kutsarita paprika
2 kutsarita asin
½ kutsarita pamintang puti
¼ tasa malamig na cream

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Ihalo ang ¾ na bahagi ng hiniwang manok sa giniling na baboy kasama ng buong itlog, puti hg itlog, sibuyas at luya.
  2. Palamigin ng ilang minuto bago idagdag ang marjoram, cardamom, paprika, asin at paminta.
  3. Gilingin ito sa food processor hanggang pumino.
  4. Isalin sa mangkok at ihalo ang cream at ang nalalabing manok.
  5. Itabi sa repridyerator.
  6. Pahiran ang isang loaf pan ng bunting mantika.
  7. Isalin ang pinaghalong sangkap.
  8. Idiing maigi sa pan para mahulma.
  9. Lutuing banyo maria sa oven na pinainit sa 250°F ng isang oras o hanggang maluto.
  10. Palamigin sa pan ng 20 minuto bago tanggalin.
  11. Hiwain at ihain kasama ng mushroom sauce, kung nais.