Canonigo

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap


Sangkap[baguhin]

Arnibal[baguhin]

1 tasa asukal
1 pakete mantikilya

Meringue[baguhin]

8 piraso puti ng itlog
1 kutsarita baking powder
½ tasa asukal

Sauce[baguhin]

½ tasa asukal
8 piraso pula ng itlog
1 ½ tasa gatas
¼ tasa rum (kung nais)
1 kutsarita vanilla
1 kutsarita mantikilya

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang oven sa 325°F.
  2. Arnibalin ang asukal at pagkatapos ay ibuhos sa 2 loafpans o isang bundt pan.
  3. Pahiran ng mantikilya ang gilid ng pan.
  4. Itabi.
  5. Sa mixer, batihin ang puti ng itlog hanggang soft peaks stage.
  6. Dahan-dahang ibuhos ang asukal at baking powder.
  7. Batihin hanggang stiff peaks stage.
  8. Ihurnong banyo maria nang 30-40 minuto o hanggang mabuo.
  9. Ibaligtad sa bandehado.

Para sa sauce[baguhin]

  1. Paghaluin ang asukal, pula ng itlog at gatas sa double boiler.
  2. Lutuin hanggang lumapot.
  3. ldagdag ang rum, vanilla at mantikilya.
  4. Lutuin nang ilang minuto.
  5. Ibuhos sa nalutong canonigo.