Camaron Rebosado
Mula sa Wikibooks
[baguhin] Sangkap
| ½ | kilo | malalaking hipon |
| ½ | kutsarita | asin |
| 1 | kutsara | katas ng kalamansi |
[baguhin] Batter
| 1 | piraso | itlog, bahagyang binati |
| 1 | tasa | malamig na tubig |
| 1 ½ | kutsarita | baking powder |
| 1 ½ | tasa | arina |
| ¼ | kutsarita | asin |
| 1 | tasa | mantikang pamprito |
[baguhin] Sweet and Sour Sauce
| 1 | tasa | tubig |
| 1 | kutsarita | asukal |
| 2 | kutsara | ketchup |
| 1 ½ | kutsarita | hot sauce |
| ¼ | kutsarita | asin |
| 1 | kutsarita | cornstarch na tinunaw sa kaunting tubig |
[baguhin] Paraan ng pagluto
- Balatan ang hipon pero huwag tanggalin ang mga buntot.
- Hiwaan sa likod para matanggal ang itim na ugat.
- Hiwa-hiwaan ng bahagya ang hipon para hindi kumulot kapag pinirito.
- Ibabad sa asin at katas ng kalamansi.
[baguhin] Para sa paghahanda ang batter
- Paghaluin ang itlog at tubig.
- Idagdag ang baking powder, arina at asin.
- Haluing maigi.
- Ilubog ang hipon sa batter at iprito sa mainit na mantika hanggang lumutong.
- Ihain kasama ng sweet and sour sauce.
[baguhin] Para sa paghahanda ang sweet and sour sauce
- Paghaluin sa maliit na kaserola ang tubig, asukal, ketchup, hot sauce at asin.
- Pakuluin.
- Palaputin ng tinunaw na cornstarch.