Callos

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

½ kilo goto, nilinis
1 piraso maliit na pata ng baboy
2 tangkay kutsay
1 piraso laurel
½ tasa sherry o white wine
½ kutsarita asin pantimpla
½ kutsarita paminta pantimpla
¼ tasa liquid seasoning pantimpla
6 kutsara mantika
3 hiwa bacon, tinadtad
2 piraso chorizo bilbao, hiniwang pabilog
2 piraso sibuyas, tinadtad
2 butil bawang, dinikdik
1 lata tomato paste
2 piraso katamtamang laki ng siling berde (green bell pepper), hiniwang pahaba
1 lata pimiento, hiniwang pahaba
1 maliit na lata garbansos (green peas), luto

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Pakuluan ang goto at pata hanggang lumambot.
  2. Ilipat sa isang kaserola kasama ng kutsay, laurel, wine at pantimpla (asin, paminta, liquid seasoning).
  3. Lagyan ng kaunting tubig at pakuluan.
  4. Palambutin nang husto.
  5. Palamigin.
  6. Hanguin at hiwaing pakuwadrado.
  7. Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bacon, chorizom sibuyas, at bawang.
  8. Isama ang goto, pata, at tomato paste.
  9. Timplahan ayon sa panlasa.
  10. Hayaang maluto at kung matuyuan ay dagdagan ng tubig o sabaw.
  11. Isama ang sili, pimiento at garbansos.
  12. Lutuin ng mga 2 minuto at patayin ang apoy.