Brunswick Stew

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 ½ kilo manok, hiniwang katamtaman ang laki
½ kutsarita asin
½ kutsarita paminta
¼ tasa mantika
½ tasa hiniwang sibuyas
1 kilo kamatis (banlian, balatan, tanggalan ng buto at tadtarin)
1 kutsara Worcestershire sauce
1 ½ tasa chicken veloute
¼ tasa white wine
½ tasa de-latang mais
1 tasa lutong lima beans
½ tasa hiniwang pakuwadradong siling berde
¼ kutsarita cayenne pepper

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Timplahan ang manok ng asin at paminta.
  2. Painitin ang kalahati ng mantika at papulahin ang manok.
  3. Itabi.
  4. Sa isang kaserola, painitin ang natitirang mantika at igisa ang sibuyas.
  5. Isama ang kamatis at sangkutsahin.
  6. Ihalo ang Worcestershire sauce, chicken veloute, manok at white wine.
  7. Timplahan at hayaang maluto ng 30 minuto o hanggang lumambot ang manok.
  8. Idagdag ang mais, lima beans, siling berde at cayenne.
  9. Lutuin pa ng 15 minuto.