Brownies

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

½ tasa mantikilya, pinalambot
1 tasa asukal
2 piraso itlog
2 tasa arina
½ kutsarita baking soda
½ kutsarita asin
½ tasa cocoa powder
1 kutsarita vanilla
tasa tubig
½ tasa tinadlad na kasuy

Paraan ng pagluluto[baguhin]

  1. Painitin ang Oven sa 350°F.
  2. Pahiran ng kaunting mantika o shortening ang isang 9-inch na kuwadradong baking pan.
  3. Sa isang mangkok, batihin ang mantikilya hanggang lumambot.
  4. Ihalo ang asukal.
  5. Isa-isang ihalo ang itlog at batihing maigi.
  6. Idagdag ang nalalabing mga sangkap maliban sa kasuy.
  7. Haluing maigi at pagkatapos ay ibuhos sa hinandang baking pan. #Paibabawan ng kasuy.
  8. Isalang sa oven ng 25-30 minuto o hanggang mabuo.
  9. Palamigin bago hiwain.