Borracho

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap


Sangkap[baguhin]

Cake[baguhin]

8 piraso pula ng itlog
¼ tasa tubig
½ tasa asukal
1 tasa cake flour
1 kutsarita baking powder
8 piraso puti ng itlog
½ tasa asukal

Cream Filling[baguhin]

1 ½ tasa asukal
¼ tasa arina
3 tasa gatas ebaporada
6 piraso pula ng itlog, binating bahagya
½ tasa mantikilya

Meringue[baguhin]

3 piraso puti ng itlog
1 kutsarita cream of tartar
tasa asukal
1 tasa rum

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang oven sa 350°F
  2. Maghanda ng isang 13 x 9 x 2-inch rectangular baking pan.
  3. Sa mangkok, batihin ang pula ng itlog at tubig.
  4. Idagdag ang asukal at batihin hanggang lumapot.
  5. Paghaluin ang arina at baking powder.
  6. Ihalo sa binating pula ng itlog.
  7. Sa mixer, batihin ang puti ng itlog hanggang soft peaks stage.
  8. Dahan-dahang ibuhos ang asukal at batihin hanggang stiff peaks stage.
  9. Masinsing ihalo ang binating pula ng itlog.
  10. lbuhos sa baking pan at isalang ng 30-40 minuto o hanggang maluto.

Para sa Cream Filling[baguhin]

  1. Paghaluin ang asukal at arina sa kaserola.
  2. Ibuhos ang gatas at lutuin hanggang lumapot.
  3. Magdagdag ng kaunting mainit na gatas sa binating pula ng itlog.
  4. Haluing maigi at saka ibalik sa kaserola.
  5. lsama ang mantikilya.
  6. Isalang pa nang 5 minuto.

Para sa Meringue[baguhin]

  1. Batihin ang puti ng itlog at cream of tartar hanggang soft peaks stage.
  2. Idagdag ang asukal at batihin hanggang stiff peaks stage.
  3. Ilagay ang nalutong cake sa isang oven proof na tray.
  4. Buhusan ito ng rum.
  5. Paibabawan ng nilutong cream filling.
  6. Takpan ng meringue ang buong cake.
  7. lbalik ang cake sa oven at hayaang pumula ang meringue.