Bistek

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

6 hiwa beef tenderloin o pinakamalambot na bahagi ng pigi ng baka
1 kutsara katas ng kalamansi
1 kutsara toyo
1 kutsarita asin
1 kutsarita paminta
3 kutsara mantika
1 piraso sibuyas, hiniwang pabilog

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Ibabad ang karne sa kalamansi, toyo, asin at paminta.
  2. Painitin ang mantika sa kawali at iprito ang karne.
  3. Isalin sa bandehado.
  4. Sa natitirang mantika ay igisa ang sibuyas.
  5. Ibalik ang bistek at lutuin hanggang lumambot.
  6. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.