Bilo-bilo

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 tasa gata (unang piga)
2 tasa gata (pangalawang piga)
1 tasa malaking sago
1 tasa maliit na sago
1 tasa malagkit na arina, bilo-bilo
1 tasa pulang asukal
2 dahon pandan

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Ilagay ang pulang asukal at 2 tasa ng pangalawang gata sa isang kaserola.
  2. Ilagay ang dahon ng pandan at sago. Pakuluin. Lutuin ng 10 minuto.
  3. Haluin ang nilutong sago sa pinaghalong gata at pulang asukal. Idagdag ang bilo-bilo.
  4. Patuloy na haluin hanggang maluto ang bilo-bilo. Malalaman kung luto na ang bilo-bilo kung lumulutang na ito sa ibabaw ng kumukulong gata.
  5. Kapag luto na ang bilo-bilo, hinaan na ang apoy. Timplahan at dagdagan ng asukal kung kinakailangan.
  6. Pagkatapos ay idagdag na din ang unang gata ng niyog.
  7. Haluin ang mga sangkap hanggang maging malapot. Kapag malapot na ay alisin na ito sa kalan. Ilagay sa mangkok.