Atsara

Mula sa Wikibooks

[baguhin] Sangkap

[baguhin] Pangunahing sangkap

1 kilo sayote o berdeng papaya, binalatan at hiniwang pahaba
2 piraso katamtamang laki ng karot, binalatan at hiniwang pahaba
1 piraso katamtamang laki ng siling pula (red bell pepper), hiniwang pahaba
1 piraso katamtamang laki ng siling berde (green bell pepper), hiniwang pahaba
1 piraso luya, binalatan at hiniwang pahaba
20 piraso sibuyas tagalog, binalatan at hinati
¼ tasa magaspang na asin

[baguhin] Pamburo

1 ½ tasa asukal
2 tasa suka
2 kutsarita asin

[baguhin] Paraan ng pagluto

[baguhin] Pangunahing Sangkap

  1. Ikalat ng pantay ang mga gulay sa isang tray.
  2. Asinan at pabayaan ng 2 oras.
  3. Patuluin sa katsa para maalis ang sobrang tubig.
  4. Ilagay sa mga isterilisadong bote.

[baguhin] Pickling Solution

  1. Sa kaserola, pagsamahin ang asukal, suka at asin.
  2. Pakuluin.
  3. Ibuhos sa mga bote habang mainit.
  4. Alisin ang mga bula.
  5. Takpan ng mahigpit at itabi.

[baguhin] Maaring isama

Mga kagamitang pansarili