Arroz a la Luzonia

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

4 piraso hinog na saging na saba, ginayat na pahaba at pinirito hanggang sa pumula
1 tasa tokwa, ginayat na parisukat at pinirito
2 piraso itlog na hilaw
1 piraso itlog na nilagang matigas, ginayat-gayat na parang kalahating buwan
2 tasa sinaing na malagkit
6 piraso gayat na siling pula, hindi maanghang
2 kutsara mantika
1 kutsarita asin
2 butil bawang, dinikdik
1 piraso sibuyas na maliit, ginayat
1 kutsara paprika

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Igisa ang bawang, sibuyas, at tokwa.
  2. Lagyan ng asin, at paminta kung nais ninyo.
  3. Idagdag ang malagkit at haluing mabuti.
  4. Lagyan ng paprika para magkakulay.
  5. Alisin sa apoy at hayaang lumamig.
  6. Idagdag ang hilaw na itlog, na bahagyang binati, at haluing mabuti.
  7. Pahiran ng mantika ang isang hulmahan at ihanay ang ginayat na itlog at ginayat na siling pula.
  8. Ilagay sa ibabaw ang ginisang niluto, takpan ng isang pirasong waxed paper at pasingawan ng 30 minuto.
  9. Alisin sa hulmahan, itaob sa isang pinggan upang maalis sa hulmahan at lagyan ng palamuting piniritong saging.