Apritadang Baboy

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

½ kilo karne ng baboy, hiniwang pakuwadrado
½ tasa mantika
1 kutsara tindtad na bawang
½ tasa hiniwang sibuyas
½ tasa tomato sauce
1 tasa tubig
1 piraso katamtamang laki ng siling pula (red bell pepper), hiniwang pakuwadrado
¼ kilo patatas, binalatan at inapat
1 kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
¼ tasa arina
½ tasa tubig

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Papulahin ang baboy sa kaunting mantika.
  2. Hanguin at itabi.
  3. Igisa ang bawang at sibuyas.
  4. Idagdag ang tomato sauce at tubig.
  5. Pagkulo ay isama ang karne at siling pula.
  6. Palambutin ang karne.
  7. Idagdag ang patatas.
  8. Tunawin ang arina sa ½ tasang tubig.
  9. Paglambot ng patatas ay ibuhos ang tinunaw na arina at timplahan ayon sa panlasa.