Adobong Manok
Mula sa Wikibooks
Sangkap [baguhin]
| 1 | kilo | manok, hiniwa sa katamtamang laki |
| ⅓ | tasa | suka |
| 2 | kutsara | dinikdik na bawang |
| 1 | piraso | laurel, dinurog |
| 3 | kutsara | toyo |
| 1 | kutsarita | asin pantimpla |
| 1 | tasa | tubig |
| 1 | kutsara | mantika |
Paraan ng pagluto [baguhin]
- Pagsamahin sa kaserola ang manok, suka, isang kutsara ng bawang, laurel, toyo, asin at paminta.
- Pakuluin, pagkatapos ay hinaan ang apoy at lutuin hanggang lumambot.
- Kapag natuyuan ay magdagdag ng tubig.
- Kapag malambot na ang manok ay alisin na ito sa sarsa.
- Sa isang kawali, igisa ang natitirang bawang. Idagdag ang itinabing manok at lutuin hanggang matusta.
- Ibuhos ang sarsa o pinaglutuan ng manok. Pakuluin.
Maari ring dagdagan ng ½ kutsarang asukal para bawasan ang asim ng suka.