Adobong Labong

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

3 tasa labong, ginayat na manipis at binanlian
1 tasa ginayat na tokwa
5 butil bawang, dinikdik
4 kutsara katas ng kalamansi
1 kutsarita asin pangpalasa
1 piraso kainamang laki ng sibuyas, ginayat
1 ½ kutsara toyo
5 kutsara mantika

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Papulahin ang bawang at sibuyas sa mantika.
  2. Idagdag ang tokwa.
  3. Patuloy na lutuin ang timpladang ito na laging hinahalo.
  4. Idagdag ang toyo at labong.
  5. Bayaan sa apoy hanggang sa maluto ang labong.
  6. Maaring idagdag ng 1 tasang tubig at 1/3 tasang toyo kung hindi pa luto ang labong.
  7. Idagdag ang katas ng kalamansi at patuloy na lutuin na hindi kumukulo hanggang sa halos lahat ng sabaw ay mangalahati.
  8. Idagdag ang mantika at ipagpatuloy na lutuin ng mga 6 na minuto pa.
  9. Lagyan ng asin upang magkalasa.