Adobong Gulay

Mula sa Wikibooks
(Ikinarga mula sa Adobong Kangkong)
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

1 tungkos kangkong, pinaghiwalay ang tangkay at dahon at hiniwang 2" ang haba
1 tali sitaw, hiniwang 2" ang haba
2 kutsara mantika
2 butil bawang, tinadtad
1 piraso maliit na sibuyas, hiniwang pakuwadrado
½ tasa hiniwang karne ng baboy
6 piraso pamintang buom dinurog
2 kutsara toyo
1 kutsarita asukal
½ tasa tubig
¼ tasa suka

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa kawali ay painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at karne.
  2. Isama ang mga pantimpla (maliban sa suka).
  3. Ibuhos ang tubig at hayaang kumulo.
  4. Hinaan ang apoy.
  5. Idagdag ang tangkay ng kangkong at sitaw.
  6. Palambutin at pagkatapos ay isama ang mga dahon at ang suka.
  7. Pakuluin uli ng hindi hinahalo.