Abitsuelas Guisado

Mula sa Wikibooks
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sangkap[baguhin]

2 kutsara mantika
3 butil bawang, dinikdik
½ tasa hiniwang sibuyas
½ tasa hiniwang kamatis
½ tasa karne ng baboy, hiniwang pakuwadrado
¼ tasa binalatang hipon
¼ kilo abitsuelas (baguio beans), pinutol ng 1" ang haba
1 tasa katas ng hipon
½ kutsarita asin pantimpla
½ kutsarita paminta pantimpla

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang mantika sa kaserola at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
  2. Idagdag ang karne at papulahin.
  3. Isama ang hipon abitsuelas.
  4. Ibuhos ang katas ng hipon.
  5. Hayaang maluto ang gulay.
  6. Timplahan ayon sa panlasa.